Sundalong naputulan ng daliri matapos ang agresibong aksyon ng China sa WPS, binigyan ng parangal

Ginawaran ng wounded personnel award si Seaman 1C Jeffrey Facundo ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr.

Si Facundo ay isa sa mga sundalong nasugatan matapos ang agresibong aksyon ng China sa isinagawang rotation and resupply (RoRe)mission sa Ayungin Shoal kamakalawa.

Si Brawner kasama ang iba pang opisyal ng Sandatahang Lakas ay nasa Western Command sa Palawan ngayon upang kamustahin at alamin ang kondisyon ng mga tropa partikular na yong mga kasama sa nabanggit na RoRe mission.


Ayon kay Brawner, nananatiling mataas ang moral ng ating mga sundalo at sa katunayan hindi aniya titigil ang mga ito sa pagtataguyod ng soberenya ng bansa.

Samantala, sinabi naman ni Western Command Commander Rear Admiral Alfonso Torres Jr. na nasa kostodiya pa rin ng Chinese Coast Guard (CCG) ang pitong armas ng Philippine Navy.

Ito ay makaraang sumampa ang mga Chinese Coast Guard sa barko ng Pilipinas at pinagkukumpiska ang mga armas ng ating mga sundalo.

Facebook Comments