Sundalong Nasawi sa Engkwentro sa Patikul, Sulu, Binigyang Pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela!

*Cauayan City, Isabela-* Binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan si late Staff Surgeant Dexter Manzano ng Brgy. Rang-ay, Cabatuan, Isabela na isa sa mga nasawing sundalo sa naganap na engkwentro sa pagitan ng mga kasundaluhan at sa grupong Abu sayyaf sa Patikul, Sulu kamakailan.

Batay sa ulat ni ginoong Romy Santos, ang media Consultant ng Pamahalaang Panlalawigan, Tinanggap ng pamilya ni late Staff Surgeant Manzano ang limampung libong piso bilang tulong pinansyal at pagpupugay ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna nina Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy III at Vice-Governor Tonypet Albano.

Itinuring rin umano ng Pamahalaang Panlungsod bilang isang bayani si late Staff Surgeant Manzano dahil sa ipinakita nitong katapangan at kagalingan.


Inihayag rin ni ginoong Santos na si late Staff Surgeant Manzano ay kabilang sa 5th Infantry Division ng Philippine Army na napili sa Reinforcement ng General Headquarters para sa karagdagang pwersa ng sundalo sa Mindanao.

Matatandaan na nito lamang nakaraang ika-labing siyam ng Hulyo ay nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng kasundaluhan at abu sayyaf sa Patikul, Sulu na siyang dahilan ng pagkasawi ni staff surgeant Dexter Manzano.

Facebook Comments