Sundalong tauhan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, nagpositibo sa COVID-19

Naka- self quarantine ulit ngayon si Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos na magpositibo sa COVID-19 ang isa sa kaniyang mga staff na sundalo.

Ayon sa kalihim, kahapon lang nakumpirma ng kaniyang staff na positibo ito sa COVID-19 mula nang magpa-swab test noong July 10, 2020.

Nakasama niya raw ito sa ilang mahahalagang event katulad ng commissioning ng BRP Jose Rizal sa Subic Bay, Zambales at kasama rin niya ito patungong Jolo at pabalik ng Maynila kahapon, July 13, 2020.


Sa ngayon, ipinaalam na sa lahat ng kanilang nakasalamuha na magsagawa ng self-quaratine at agad na sumailalim sa COVID test upang malaman kung nahawa o hindi ng COVID-19.

Nakasama rin daw nila sa parehong event si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Felimon Santos Jr.

Sinabi pa ng kalihim, kaninang umaga ay nagpa-swab test na siya at naghihintay na lamang ng resulta.

Facebook Comments