Sunod na mga plano ni Chief Insp. Espenido sa Iloilo PNP, ipapaubaya nya sa panginoon

Manila, Philippines – Ipapaubaya lamang daw ni Police Chief Insp. Jovie Espenido sa poong maykapal ang kanyang mga susunod na drug operation sa Iloilo.

Ito ay matapos ang pagkakatalaga sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP Iloilo.

Ayon kay Espenido God’s will ang pagkakatalaga nya sa Iloilo PNP, habang sinabi pa ng opisyal na sa ngayon susunod lamang sya sa liderato ng PNP lalo sa kanilang Commander in Chief na Pangulong Duterte sa kung anuman ang ipag-uutos.


Sa ngayon aalamin nya kung ano ang problema ng Iloilo, para magkaroon daw ng tyansa na mabigyan ng kapayapaan ang Iloilo.

Nang tanungin ng media kung ano kanyang mensahe kay Iloilo City Mayor Jed Mabilog sinabi lang ng opisyal na “regards”.

Matatandaang una nang tinawag ni Pangulong Duterte na the most shabulized ang Iloilo dahil sa dami ng transaksyon ng iligal na droga.

Iginiit naman ni Espenido na nanatili syang pro life sa kabila ng mga madudugong drug operation na kanyang ikinakasa.

Facebook Comments