Manila, Philippines – Kinansela na ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang lahat ng kaniyang mga biyahe sa ibayong dagat para sa taong 2018.
Ayon kay Andanar, tumatalima lang siya sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbawal na ang junket o biyahe sa ibayong dagat ng mga kawani mula sa sangay ng Ehekutibo.
Nagpaabiso na rin aniya siya sa mga nagpadala ng mga imbitasyon sa kanya hinggil sa hindi niya pagdalo.
Gayundin, pinadalhan niya ang mga ito ng kopya ng naging kautusan ng Pangulo.
Facebook Comments