Nagbabala ang grupo ng mga trucker ng sunod-sunod at malakihang kilos protesta hangga’t hindi kumikilos ang gobyerno sa apela nila hinggil sa ipinatupad na taas-singil sa toll sa North Luzon Expressway (NLEX).
Kahapon, nagpatikim na ng protesta ang mahigit isandaang miyembro ng Alliance of Concerned Truck Owners Organization (ACTOO) sa Bonifacio Drive sa Maynila.
Mahigit 200 truck ang sabay-sabay na nagbusina upang ipahayag ang kanilang pagtutol sa NLEX toll hike na sinimulang ipatupad noon pang June 15.
Ayon kay ACTOO Director Connie Tinio, hindi makatarungan ang toll increase lalo na’t lumalala ang kondisyon ng traffic sa NLEX.
Nanindigan naman ang pamunuan ng NLEX na dumaan sa proseso ang taas-singil sa toll.
Tiniyak din nito na handa sila sakaling ituloy ng truckers’ group ang bantang pagbalandra ng kanilang mga truck sa kahabaan ng expressway bilang pagtutol sa toll hike.