SUNOD-SUNOD NA AKSIDENTE SA ISANG KALSADA SA LABRADOR, NAITALA

Nakapagtala ng sunod-sunod na aksidente ang kalsadang sakop Brgy. Bongalon sa bayan ng Labrador.

Kamakailan, nasawi ang isang lolo na maghahatid lamang Sana ng apo papasok ng eskwelahan matapos masalpok ng SUV ang sinasakyan nitong motorsiklo at kinabukasan ay nasundan pa muli ng aksidente.

Kahapon, naitala ang Isa pang vehicular accident kung saan sugatan ang driver ng motorsiklo na pinaniniwalaang nakainom umano.

Paliwanag ng pulisya, ang naturang kalsada ay national highway kung kaya’t ang ilang motorista mabilis umano ang pagpapatakbo.

Ayon naman sa Barangay Council ng bongalon, kumpleto ang mga ilaw at mayroon ding mga signages.

Paalala ng awtoridad, mag-ingat sa pagmamaneho at huwag magmamaneho ng lasing. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments