
Hindi nakikita ng Department of Agriculture (DA) na magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng bigas.
Ito’y kahit pa sunod-sunod ang nararanasang pananalasang bagyo at ng habagat.
Ayon kay DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, hindi naman ganoon karami ang nasira sa bigas at marami ring imbak na bigas sa ngayon.
Ngunit, nakaabang na ang kanilang tulong para sa mga sinalanta at naapektuhang palayan.
Gayunman, posible umanong tumaas ng 10% hanggang 15% ang presyo ng gulay at isda dahil sa mga nasirang taniman at ang apektadong paglaot naman ng mga mangingisda.
Facebook Comments









