Sunod-sunod na bomb threats sa Metro Manila, iniimbestigahan na ng NCRPO

Iniimbestigahan na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang sunud-sunod na bomb threats sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Metro Manila.

Partikular ang anim na bomb threats sa government offices sa NCR.

Nabatid na ang bomb threat ay idinaan sa pamamagitan ng e-mail.


Base sa IP address, lumalabas na ang bomb threat ay galing sa ibang bansa.

Sa pagresponde ng mga awtoridad, negatibo naman sa bomba ang mga tinukoy na gusali.

Facebook Comments