SUNOD-SUNOD NA BUY-BUST OPERATION SA LA UNION, NAGRESULTA SA PAGKAKAARESTO NG TATLONG SUSPEK AT PAGKAKASAMSAM NG SHABU

Tatlong magkakahiwalay na buy-bust operation ang matagumpay na isinagawa ng iba’t ibang operating units sa lalawigan ng La Union na nauwi sa pagkakaaresto ng tatlong drug suspects at pagkakasamsam ng tinatayang 3 gramo ng hinihinalang shabu.

Naaresto ng Aringay Police Station ang isang 31 anyos na account analyst mula Agoo, La Union sa isinagawang buy-bust operation.

Narekober sa suspek ang isang gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na 6,800 pesos.

Nahuli rin ng awtoridad ang isang 46 anyos na High-Value Individual (HVI) na residente ng Rosario at kasalukuyang nakatira sa Pugo.

Narekober mula sa kanya ang isang gramo.

Samantala, inaresto ng City of San Fernando ang isang 39 anyos na STL bet collector sa buy-bust operation kung saan narekober ang humigit kumulang isang gramo ng shabu.

Isinagawa ang on-site inventory sa presensya ng mandatory witnesses at suspek.

Facebook Comments