Sunod-sunod na drills isinagawa sa Surigao City

Sunod-sunod na drills isinagawa sa Surigao City Magkakasunod na drills isinagawa sa Surigao City na kung saan ang mga scenario ang kinabibilangan kung may hostage taking at bomb threat na mangyayari. Pinangunahan ang naturang aktibidad ng City Disaster Reduction and Management Council, ang unang scenario sa hostage taking ang ginanap sa Surigao Integrated Bus and Jeepney Terminal kaninang umaga samantalang ang bomb threat ang isinagawa naman sa loob ng Luneta Park ngayong hapon. Ang mga nagsilbing responders sa drills ang mga personahe ng City PNP, Phil Army, PNP SOCO, Provl Public Safety Company, Explosive Ordnance Division ng PNP Caraga at Incident Management Team. Ang naturang mga drills ang isa sa mga aktibidad sa selebrasyon sa Disaster Conciousness Month sa Hulyo.

Sent from my iPhone

Facebook Comments