Sa pagpasok ng Bagong Taon, nasa anim na insidente ng sunog ang naitala sa lungsod ng Maynila.
Lima sa kanila ang residential area pero agad din naapula matapos ang mabilis na responde ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Manila at mga fire volunteer.
Hindi naman umabot sa alarma ang mga sunog na naitala sa ilang residential area sa Balut, Tondo ng alas-12:10 ng umaga, Balic-balic sa Sampaloc ng alas-12:34 habang kapwa alas-12:40 nangyari ang sunog sa Delpan, Tondo at Sagrada Familia, Sta. Ana.
Alas-3:09 naman nang magkaroon din ng sunog sa residential area sa Brgy. 871 sa Pandacan.
Bukod dito, isang warehouse sa Liko Street sa Sta. Cruz ang bahagyang nasunog bandang alas-2:32 ng madaling araw.
Ilang minuto lang ay naapula na ang sunog kung saan isa sa mga insidente sa residential area ay bunsod ng paputok na kwitis.