Sunod-sunod na lindol sa Davao Region, dahil sa paggalaw ng Philippine Trench ayon sa PHIVOLCS

Ang paggalaw ng Philippine Trench ang dahilan ng sunod-sunod na paglindol ngayon sa Davao Region.

Ito ang inihayag ngayon ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology Director Renato Solidum sa panayam ng RMN Manila kasunod na rin ng pagtama ng magnitude 6.1 na lindol sa Davao Oriental kaninang madaling araw.

Ayon kay Solidum, nangyari ang pagyanig kaninang alas-5:57 ng umaga sa 78 kilometers southeast ng Manay town.


Tectonic ang pinagmula nito at may lalim na 21 kilometers.

Naramdaman ang intensity 4 sa bayan ng Manay habang bahagyang naramdaman din ito sa General Santos City at Tampakan sa South Cotabato.

May instrumental intensity II na naitala sa Davao City, Bislig City, at Kidapawan City.

Kasabay nito, muling nagpaalala si Solidum sa publiko na palaging maging handa lalo na’t ang paggalaw na Philippine Trench ay maaaring magdulot ng mga sakuna tulad ng tsunami.

Facebook Comments