Inaasahang aabutin pa hanggang sa unang kwarter ng 2022 ang mataas na presyo ng produktong petrolyo dahil sa limitadong supply.
Ayon kay Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, ang sunod-sunod na increase ay bunsod ng fundamental insufficiency ng supply ng krudo sa international market.
Aniya, umaabot kasi sa 2 hanggang 3 million barrels ang kulang sa krudo kada araw.
Maliban dito, sinabi ni Abad na tumaas din ang demand sa krudo dahil sa mga isinasagawang economic activities sa buong mundo.
Sinabi naman ni Abad na bababa lamang ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Nobyembre kapag natapos na ang winter season sa Western countries.
Facebook Comments