Manila, Philippines – Asahan pa ang mas maraming one-time big-time anti-drug operations na ilulunsad ng iba’t ibang tanggapan ng PNP sa buong bansa.
Ito ang inihayag ni PNP deputy director for admin, deputy director general Ramon apolinario Sa isang panayam matapos pasinayaan ang bagong station 7 ng QCPD.
Ang pahayag ng pangalawang pinakamataas na opisyal ng PNP Ay kasunod ng mga inilunsad na one-time big-time anti drug operations ng Bulacan Provincial police office kung saan 32 drug personalities Ang napatay, at ng Manila Police district kung saan Hindi baba sa 18 ang nasawi.
Pero nilinaw ni apolinario na ang tila mas aktibong kampanya kontra sa droga sa ngayon Ay dahil Lang sa Hindi napapansin dati ang mga isinasagawang anti-drug operations sa mga lalawigan.
Paliwanag ni apolinario, Hindi naman nagbago ang sigasig ng PNP sa pagtugis sa mga drug personalities at tuloy tuloy parin Ang kampanya.
Na highlight Lang Aniya Ang Tila malaking bilang ng mga nasawi dahil sa dami ng sabay sabay na operasyong inilunsad sa mga nakilapas na araw.
Tiniyak naman ni apolinario na ang mga operasyong ito Ay legitimo at naayon sa police operational procedure kung saan ipinagtanggol Lang ng mga pulis Ang kanilang sarili matapos manlaban ang mga suspek.