Sunod-sunod na Pagkakahuli ng mga GCQ Violators, Naitala ng PNP Tumauini, Isabela!

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng sunod-sunod na pagkakahuli ng mga lumabag sa General Community Quarantine ang himpilan ng PNP Tumauini sa Lalawigan ng Isabela.

Sa ibinihaging impormasyon ni PMaj. Rolando Gatan, hepe ng pulisya, umabot na sa 81 katao ang kanilang nahuli na lumabag sa mga alituntunin sa ilalim ng GCQ simula kahapon at ngayong araw sa magkakahiwalay ng checkpoints sa naturang bayan.

Karamihan sa mga violators ay mga lumabag sa Social Distancing na lulan ng mga sasakyan o mag-angkas na mag-asawa.


Ilan din sa mga nahuli ay lumabag sa hindi pagsusuot ng face mask, curfew hour at liqour ban.

Nakahuli rin ng pitong (7) unauthorized Person outside residence ang mga nakatokang pulis sa mga checkpoints sa naturang bayan.

Magugunitang sinabi ng Hepe na hindi palalampasin at itotolerate ang mga lalabag sa kanilang mga ipinatutupad na alituntunin sa ilalim ng GCQ bagkus ay hihigpitan pa lalo ang implimentasyon nito para sa layong makaiwas sa pagkalat ng sakit na COVID-19.

Facebook Comments