Sunod-sunod na pagkakasangkot ng mga pulis sa mga pang-aabuso, ikinabahala ng CBCP

Nababahala ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa pagkakasangkot ng mga pulis sa iba’t-ibang pang-aabuso.

Ayon kay CBCP President at Caloocan Bishop Vergilio David, tila nagiging sistimatiko na daw ang nangyayari ngayon na pang-aabuso sa katungkulan ng mga tinaguriang tagapagbantay ng bayan.

Inihalimbawa rito ng obispo ang nangyari sa isang siklista at retired police sa Quezon City na nambatok at nagkasa ng baril, pamamaril ng Pulis Navotas sa isang menor de edad matapos mapagkamalang suspek, road rage sa Makati City na sangkot din ang isang pulis, at pamamaril ng pulis sa isang 15 anyos sa Rodriguez, Rizal kamakailan.


Paalala ni David sa mga pulis, hindi sila ang batas kundi tagapagpatupad sila ng batas na ang pangunahing layunin ay magsilbi at protektahan ang mga sibilyan.

Aniya, ang uniporme, baril at sweldo ng mga ito ay mula sa buwis ng publiko na ang layunin ay para mag-serbisyo at hindi mang-abuso.

Facebook Comments