Sunod-sunod na pagpatay sa mga abogado, tatalakayin sa SC en banc

Manila, Philippines – Nakikiisa si Chief Justice Lucas Bersamin sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa pagkundena sa serye ng pagpatay sa mga abugado at hukom.

Nananawagan din ang Korte Suprema sa mga otoridad para sa agarang pag-aksyon sa nasabing insidente ng karahasan.

Idudulog din ng punong mahistrado sa court en banc ang panawagan kaugnay sa pagsasagawa ng independyenteng imbestigasyon sa mga kaso ng pagpatay sa mga abugado.


Pagtutuunan din ng pansin ng Supreme Court (SC) ang pagdaraos ng dayalogo sa pagitan ng mga grupo ng abugado at mga otoridad.

Facebook Comments