Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang serye ng chartered flights na dadating sa bansa sa mga susunod na linggo mula sa United Arab Emirates (UAE).
Ito ay dahil sa dumarami ang distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagpapalista para sa repatriation program ng pamahalaan.
Sa harap ito ng travel ban na pinaiiral ng Pilipinas sa UAE at iba pang mga bansa na may mataas na kaso ng Delta variant ng COVID-19.
Bukas ay nakatakdang dumating sa bansa ang ikaapat na batch ng Pinoy repatriates mula sa UAE.
Bukod pa ito sa 350 OFWs na dumating sa bansa kahapon mula sa Dubai.
Facebook Comments