Sunod-sunod na repatriation sa OFWs sa Macau, asahan pa ayon sa DFA

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sunod-sunod na pagpapauwi sa Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Macau.

Ayon naman sa Philippine Consulate General sa Macau, bukas ang kanilang repatriation program sa lahat ng Pinoy workers doon na nais nang umuwi ng Pilipinas.

Partikular ang OFWs na nawalan ng trabaho dahil sa pandemiya.


Ayon sa Konsulada, ang kailangan lamang gawin ng OFWs na sasabay sa repatriation flight ay magparehistro online.

Sa darating na August 13 ang susunod na repatriation flight para sa distressed OFWs sa Macau.

Facebook Comments