SUNOG | 18 na aso, patay sa sunog sa Barangay Paltok, Quezon City

Manila, Philippines – Naapula na ang sunog na nangyari sa isang residential area sa Barangay Paltok, Quezon City.

Sumiklab ang apoy mula sa sala ng bahay ng pamilya Dijanco at mabilis itong kumalat mula sa katabing bahay.

Bagamat walang nasugatan sa insidente, hindi nailigtas ang 18 naiwang aso ng naturang pamilya.


Inaalam pa ng mga otoridad ang naging sanhi ng sunog, maging kung magkano ang kabuuang danyos na dala nito.

Facebook Comments