SUNOG | 200 bahay, natupok sa nangyaring sunog sa North Avenue sa Quezon City

Manila, Philippines – Dalawang daang bahay ang natupok sa nangyaring sunog sa Sitio Palanas, Barangay Vasra, North Avenue sa Quezon City.

Aabot sa tatlong daang pamilya ang apektado habang lima ang sugatan sa sunog kabilang na ang isang fire volunteer.

Nagsimula ang sunog pasado alas-singko ng hapon ng Miyerkules at mabilis itong kumalat dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay sa lugar.


Itinaas sa ika-limang alarma ang sunog at bago mag-alas siyete ng gabi, idineklara na itong fire under control.

Sa kasagsagan ng sunog, isang lalake ang bugbog sarado at arestado dahil sa umano ay pagnanakaw nito.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente kung saan pansamantalang nanunuluyan ang mga nasunugan sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife.

Facebook Comments