SUNOG | 5 bata, patay sa sunog sa Quiapo

Manila, Philippines – Anim ang kumpirmadong patay kabilang na ang limang bata makaraang sumiklab ang sunog sa residential area sa Arlegui St., Quiapo, Maynila.

Ayon kay Senior Inspector Reden Alumno ng Bureau of Fire Protection- San Lazaro, natagpuan ang mga bangkay sa loob ng isang bahay ng isang Ashlea Daco kung saan sinasabing nagsimula ang apoy alas-8:14 kagabi.

Nadamay rin sa sunog ang isang lalaki na nagngangalang Michael matapos subukang sagipin ang mga naiwang bata.


Tinatayang nasa 50 pamilya ang naapektuhan sa sunog na umabot sa ikalawang alarma.

Ganap na naapula ang sunog dakong alas 11:30 ng gabi

Inaalam pa ng mga otoridad ang pinagmulan ng apoy at kabuuang halaga ng natupok.

Facebook Comments