SUNOG | 6 patay sa sunog na sumiklab sa QC

54

Quezon City – Anim ang naitalang patay sa sunog na sumiklab sa isang commercial area sa Gen Luis Novaliches, Quezon City alas 12:35 ng madaling araw kanina.

Ayon kay BFP Chief Arson Investigator Rosendo Cabillan, tindahan ng mga damit ang nasunog kaya at mabilis na umakyat sa ikatlong alarma ang apoy.

Natutulog aniya sa tindahan ang isang mag-anak na karamihan ay mga bata, nang mangyari ang insidente.

Idineklarang fireout ang sunog, makalipas ang dalawang oras. (2:35am).

Posible aniyang nagsimula ang sunog dahil sa nag-spark na power line.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang halaga ng pinsalang iniwan ng sunog.

Facebook Comments