Lapu-Lapu City – Patuloy na inimbestigahan ng mga otoridad ang nangyaring
sunog sa Barangay Basak, Lapu-Lapu City.
Aabot sa 600 bahay ang natupok ng apoy pero hindi pa alam kung magkano ang
halaga ng mga ari-arian ang nasira dahil sa insidente.
Nabatid na nagsimila ang sunog mag-a-alas-tres ng hapon kung saan agad
itong itinaas sa general alarm dahil pawang gawa sa light materials ang mga
bahay.
Pasado alas-singko ng hapon ng makontrol ang sunog pero ilang bahagi ng
lungsod ang nawalan ng kuryente nang dahil sa insidente.
<#m_4932923963181763724_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>
Facebook Comments