SUNOG | Apat na bahay sa Pasig City, tinupok ng apoy

Pasig City – Apat na bahay ang nasunog sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City kaninang madaling araw.

Sa ulat, ala-1:29 ng madaling araw nang magismula ang sunog sa isang bahay sa Mulawin Street malapit sa Sandoval Avenue.

Inabot ng ikalawang alarma ang sunog at naapula ito makalipas ang halos isang oras.


Wala naman nasugatan sa insidente kung saan pansamantalang nananatili ang mga apektadong residente sa itinayong tent ng barangay habang isinasaayos pa ang nasunog nilang bahay.

Patuloy naman inaalam ng Pasig Fire Department ang sanhi nito at kung magkanong halaga ang natupok na mga ari-arian.

Facebook Comments