SUNOG | Bahagi ng Malinta Public Market sa Valenzuela, nasunog

Valenzuela City – Nasunog ang isang bahagi ng Malinta Public Market sa Valenzuela City kaninang hatinggabi.

Sa ulat ng Valenzuela City Fire Department, alas-12:57 ng hatinggabi nang magsimula ang sunog na umabot sa ikalawang alarma at idineklarang fire out bandang ala-1:42 ng madaling araw.

Sa imbestigasyon, nagsimula ang apoy sa dry goods section ng palengke kung saan anim na stalls ang nasunog.


Maswerte namang walang nasugatan o nasawi sa insidente habang patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman ang pinagmulan ng apoy maging ang kabuuang halaga ng pinsala.

Facebook Comments