SUNOG | Bahay ni Freddie Aguilar, naabo!

Quezon City – Tinatayang aabot sa 15 milyong pisong halaga ng mga ari-arian ang natupok matapos masunog ang bahay ng singer na si Freddie Aguilar sa Avery Street, Barangay North Fairview, Quezon City.

Nagsimula ang sunog alas-11:04 kagabi sa music room kung saan nilamon ng apoy ang lahat ng memorabilia, musical instrument, mga awards at koleksiyon ni ka Freddie ng mga cd’s.

Kumalat sa ilang bahagi ng dalawang palapag ng bahay ang apoy kung saan umabot ng halos isang oras bago tuluyang maapula ang nasabing sunog.


Ayon sa Quezon City BFP, maaaring nagkaroon ng problema sa electrical connection na kanilang ngayong iniimbestigahan.

Facebook Comments