SUNOG | Bilang ng mga nasawi sa nasunog na Manila Pavilion Hotel and Casino, umabot na sa lima, nasa 20 sugatan

Manila, Philippines – Umakyat sa lima ang bilang ng nasawi, isa ang
kritikal, at hindi bababa sa 20 ang sugatan sa sunog sa Waterfront Manila
Pavilion sa Ermita, Maynila na tumagal ng 25 oras.

Pawang mga empleyado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation
(PAGCOR) ang mga namatay sa insidente, kabilang ang isang guwardiya,
dalawang CCTV operator, at dalawa mula sa treasury office.

Bandang alas-10 ng umaga noong Linggo, Marso 18, nagsimulang magliyab ang
gusali at alas-11 ng umaga nitong Lunes tuluyang naapula ang sunog.


Muli namang sumiklab ang apoy sa isang bahagi ng gusali nitong Lunes, bago
mag-alas-5 ng hapon, dahil sa malakas na hangin pero agad ding naapula.

Facebook Comments