Manila, Philippines- Nasunog ang bodega ng Department Of Labor And Employment (DOLE) sa Intramuros, Maynila, alas-10:30 Biyernes ng gabi.
Nagmula ang apoy sa imbakan ng mga lumang gamit at office supplies ng ahensya.
Hindi naman na lumaki pa ang apoy at mabilis nakontrol ng mga bombero.
Itinaas sa unang alarma ang sunog bago nagdeklarang fire out alas-10:47 ng gabi.
Inaalam pa ang sanhi ng sunog habang tiniyak ng mga empleyado na walang nasirang mahalagang dokumento sa naturang insidente.
Facebook Comments