SUNOG | Dalawang bahay, natupok sa Anda, Pangasinan

Anda, Pangasinan – Aabot sa kalahating milyong piso ang naging pinsala ng sunog na tumupok sa dalawang bahay sa Anda, Pangasinan.

Naganap ang insidente sa Barangay Poblacion kung saan sinasabing ang sunog ay nagumpisa sa kusina ng bahay ng isang Tito Gulmatico, 68-anyos at residente ng nasabing lugar.

Dahil sa gawa sa light materials ang nasunog na bahagi ng bahay, mabilis itong kumalat at nadamay ang tahanan ng isang Zenaida Tomorong na residente rin sa lugar.


Tumagal ng halos isang oras ang sunog bago tuluyang ideklarang fireout ng BFP.

Facebook Comments