SUNOG | Fast food chain, nagliyab

Mandaluyong City – Natupok ng apoy ang isang bahagi ng branch ng fastfood chain na kadikit ng isang mall sa Pioneer Street, Mandaluyong.

Ayon kay Mark Tenefrancia, manager ng restaurant, nakita na lamang nilang nagliyab ang chimney habang naglilinis bago umuwi.

Sa inisyal na imbistigasyon ni Mandaluyong Fire Marshal Robert Samillano Jr., maaaring naipon ng chimney ang init na nanggagaling sa ihawan kayat lumiyab.


Dahil sa.insidente pinayuhan niya ang ibang establisyimento na regular na magsagawa ng preventive maintenance upang hindi maipon ang mantika sa mga lutuan na posibleng magdulot ng sunog.

Samantala, paliwanag ng manager ng fast food chain, apat na beses sa isang linggo nililinis ang kanilang chimney at iba pang pasilidad sa restaurant.
Umabot sa unang alarma ang sunog na nagsimula alas dose ng madaling araw at tumagal lamang ng trenta minutos.

Wala naitalang sugatan o patay habang inaalam pa ang halaga ng pinsalang dulot ng sunog.

Mananatiling sarado ang restaurant habang iniimbestigahan ang insidente.

Facebook Comments