SUNOG | Ginagawang bahagi ng SM Megamall, nasunog

Mandaluyong City – Nasunog ang ginagwang bahagi ng SM Megamall kagabi.

Nagsimula ang sunog alas-7:30 ng gabi sa basement 2 ng construction site na katabi ng building B ng nasabing mall.

Inabot ng ikatlong alarma ang sunog kung saan tuluyan itong naapula pasado alas-2:00 ng madaling araw.


Wala naman nasaktan o nasawi sa nasabing insidente ngunit nagdulot ito ng matinding pagsikip ng daloy ng trapiko sa northbound lane ng Edsa mula sa Guadalupe bridge.

Inaalam na hanggang sa ngayon ang dahilan ng sunog maging ang kabuuang halaga ng danyos nito.

Facebook Comments