SUNOG | Isang unit sa 20th floor ng Condominium Building, tinupok

Manila, Philippines – Nasunog ang isang unit sa ika-20 palapag ng gusali sa Arroceros, Maynila.

Ala una kaninang hapon ng sumiklab ang apoy sa room 2003 ng Zen Tower Building.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at naideklarang fire out mag-aalas dos kanina.


Wala namang nasaktan o nasugatan sa insidente.

Inaalam pa ng BFP-Manila kung ano ang sanhi ng sunog.

Facebook Comments