SUNOG | Isang van, nagliyab sa Lemery, Batangas

Batangas – Nagliyab ang isang van na naglalaman ng mga kwitis sa Barangay District 4, Lemery, Batangas.

Sa inisyal na imbestigasyon, naka-park ang van na may plate number na UFL-165 sa tabing kalsada habang nasa loob ng isang malapit na spa ang may-ari nito.

Isang residente naman na nakatira malapit sa pinangyarihan ang naitalang nagtamo ng sugat.


Nagliyab ang sasakyan alas-7 Lunes ng gabi at naapula matapos ang isang oras.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga bumbero ang insidente.

Facebook Comments