SUNOG | Isang warehouse, tinupok ng apoy sa South Cotabato

South Cotabato – Isang hardware ang tinupok ng apoy sa bayan ng Norala, South Cotabato

Sa ulat, halos naabo ang Shaina Hardware kung saan umabot sa mahigit P15-milyon ang halaga ng napinsala sa nangyaring sunog.

Sinasabing pag-aari ng negosyanteng si Jimson Legada, tubong Esperanza, Sultan Kudarat ang nasunog na hardware.


Sa imbestigasyon, faulty wiring ang pinagmulan ng apoy na naapula makalipas ang tatlong oras.

Facebook Comments