SUNOG | Kaliwa’t kanang sunog, sumiklab sa iba’t ibang sulok ng Metro Manila

Manila, Philippines – Kaliwa’t-kanang sunog ang nangyari sa iba’t ibang sulok ng Metro Manila sa buong magdamag.

Sa Maynila, kontrolado na ang higit siyam na oras na nasusunog na gusali ng Yakult Philippines sa Malate, Maynila.

Nagsimula ang sunog mula sa ikatlo at ikaapat na palapag ng gusali kung saan umabot pa sa ikatlong alarma.


Sa Maynila pa rin, nasunog ang isang bahay sa Baseco Compound sa Port Area.

Sa kabila ng pahirapang pagresponde, agad din itong naapula.

Sa Quezon City, 13 bahay ang tinupok ng apoy sa Barangay Sta. Lucia na umabot sa ikalawang alarma.

Sa Pasig City, isang lalaki ang inaresto matapos sunugin ang kanyang bahay sa Barangay Pinagbuhatan.

Posibleng nakararanas ng depresyon ang salarin.

Facebook Comments