SUNOG | Kapabayaan, nakita ng Manila fire bureau sa magulang ng 5 batang nasawi sa sunog sa Tondo

Manila, Philippines – Nakitaan ng negligence o kapabayaan ng Manila fire bureau ang magulang ng limang batang nasawi sa sunog sa Barangay 91 Zone 8, Tondo Maynila.

Ayon kay Manila Fire Marshal Senior Superintendent Jonas Silvano, nilagyan kasi ng mag-asawang Geminiano ng harang ang kanilang pintuan kaya na-trap sa loob ang magkakapatid na sina John Mike Christer, 12-anyos; baby Michael, 7; Marcelo, 5; Mikaela, isa’t kalahating taon at Miel Michael, 4.

Paliwanag ni Silvano, maituturing na nasa kritikal ang residential area na nasunog.


Inaayos naman na ang burol ng limang kakapatid na nakatakdang ilibing sa Manila North Cemetery.

Pinag-aaralan naman na ng Manila fire bureau kung sasampahan pa ng kaso ang mag-asawa dahil sa kapabayaan ng mga ito.

Facebook Comments