SUNOG | Lolo, patay sa sunog sa Bel-Air

Makati City – Patay ang isang 76-anyos na lalaki sa nangyaring sunog sa Bel-Air Village, Makati City kagabi.

Ayon kay Supt. Roy Aguto, fire marshal ng Makati Bureau of Fire Protection, patuloy pa nilang inaalam ang pagkakakilanlan ng namatay na lalaki.

Sinabi pa ng opisyal na nakita nila sa CR ng bahay nila ang biktima na walang buhay at nakadapa na lamang.


Nabatid na sumiklab ang sunog pasado alas-11 ng gabi at naapula bago mag-alas-12 ng madaling araw.

Iniimbestigahan pa ng BFP ang sanhi ng sunog at ang iniwang pinsala nito.

Facebook Comments