SUNOG | Lolo, sawi matapos ma-trap sa nasunog niyang bahay

Camarines Sur – Patay ang isang 70-anyos na lalaki matapos hindi makalabas sa kanyang nasunog na bahay sa bayan ng Balatan, Camarines Sur.

Natutulog noong ang biktimang si Antonio Bibonia nang mangyari ang insidente.

Inaalam na ng mga otoridad kung dahil sa sirang linya ng telebisyon ang pinagmulan ng apoy na nagresulta para sumabog ang tangke ng gas sa loob ng bahay.


Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng mga otoridad kung ilan ang halaga ng napinsala sa nangyaring sunog.

Facebook Comments