Quezon City – Mahigit sa 40 pamilya ang naapektuhan ng sunog na sumiklab sa
isang residential area sa Kabayan St. Roces Ave. Brgy. Obrero sa Quezon
City.
Ayon kay City Firemarshall Sr. Supt. Manuel Manuel, nagsimula ang apoy mula
sa 2nd floor ng bahay ng isang nagngangalang ‘aling toyang’
Naging pahirapan ang pag-apula sa sunog dahil sa sobrang sikip ng kalsada
kaya mga maliliit na fire truck lang ang nakapasok.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na naapula alas-6:25 ng gabi at
nag-iwan ng nasa 200-libong pisong halaga ng napinsalang mga ari-arian.
Nagtamo naman ng minor injury sa nasabing insidente ang isang 17-anyos na
babae.
Sa ngayon ay nagpalipas muna ng gabi ang mga apektadong pamilya sa
multi-purpose hall ng nabanggit na barangay.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>