Monday, January 19, 2026

Sunog na sumiklab sa Brgy. San Jose, Mandaluyong City kaninang umaga, naapula na; mahigit kumulang 100 kabahayan, natupok ng apoy

Naapula na ang sunog na sumiklab pasado alas-6:00 ng umaga sa Brgy. San Jose, Mandaluyong City.

Ayon sa inisyal na report ng Bureau of Fire Protection (BFP), humigit-kumulang 100 bahay ang naabo dahil sa sunog.

Inaalam pa rin ng mga awtoridad ang pinagmulan nito at kung magkano ang pinsala ng nasabing insidente.

Samantala, umabot naman sa lima ang nasugatan sa nasabing sunog na pawang mga lalaki na may edad 11 years old hanggang 36 years old.

Sa report ng BFP, napuruhan ang mga ito sa paa, tuhod, siko, at kamay.

Pasado alas-8:50 ng umaga nang ideklarang kontrolado ang sunog bago ito tuluyang naapula pasado alas-9:00 ng umaga.

Facebook Comments