Sunog na sumiklab sa isang residential area sa Barangay North Fairview, Quezon City, patuloy na inaapula

Patuloy na inaapula ng mga bumbero mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) at ilang fire volunteers ang sunog na sumiklab sa kabahayan sa bahagi ng Rand Street, North Fairview, Quezon City.

Ayon sa BFP, nagsimula ang sunog alas-4:34 ng umaga kung saan mabilis na kumalat ang apoy dahilan para agad na iakyat ito sa ikaapat na alarma alas-5:06.

Napansin rin natin na kaniya-kaniyang salba ang ilang mga residente ng kanilang mga gamit.

Samantala, kinailangan ding pasukin ng mga bumbero ang lugar dahil hindi makadaan sa mga eskinita ang mga fire truck dahil sa liit ng daanan.

Sa ngayon ay kontrolado na ang sunog alas-6:10 habang patuloy na sinisikap ng mga pamatay sunog na tuluyang maapula ang mga bahay na na mahigit isang oras nang nasusunog.

Facebook Comments