Monday, January 19, 2026

Sunog na sumiklab sa residential area sa Brgy. San Jose, Mandaluyong City, iniakyat na sa ikatlong alarma

Itinaas na sa 3rd alarm ang sunog sa residential area sa Brgy. San Jose, Mandaluyong City na sumiklab ngayong umaga.

Alas-6:36 kanina nang itaas ito sa ikalawang alarma.

Ayon sa BFP, naging pahirapan ang pag-apula sa apoy dahil sa hirap makapasok ang mga bumbero dahil sa masip na eskinita.

Patuloy pa rin ang isinasagawang pag-apula at ilang mga fire volunteer na rin ang tumulong mula sa iba’t ibang lungsod.

Sa ngayon, inaalam pa kung ano ang pinagmulan habang nagpapatuloy ang pagapula sa sunog.

Facebook Comments