Sunog na sumiklab sa St. Paul the Apostle Parish sa Mother Ignacia, nagtagal lang ng 30 minutes

93

Nagtagal lamang ng tatlumpung minuto ang sunog na sumiklab kaninang alas-2:24 sa likurang bahagi ng St. Paul Church sa Scout rallos St., Mother Ignacia na sakop ng Barangay Laging Handa, Quezon City.

Limang kuwarto sa ikalawang palapag ng likurang bahagi ng simbahan ang tinupok ng apoy.


Dahil sa maagap na pagresponde ng Bureau of Fire Protection (BFP-QC), naapula ang sunog alas-2:47 ng hapon na umabot lang ng unang alarma.

Wala namang nasugatan sa nangyaring sunog.

Inaalam pa ang sanhi nito at ang halaga ng ari-ariang natupok.

Facebook Comments