Sunog, naganap sa isang residential area sa Tondo, Maynila

Nasa apat na bahay ang nasunog sa may bahagi ng Maria Payo kanto ng Asuncion Street sa Tondo, Maynila.

Nagsimula ang sunog alas-7:59 ng umaga na tuluyang naapula matapos ang isang oras kung saan umabot lamang ito ng unang alarma.

Nasa higit 20 truck ng bumbero ang agad na rumesponde upang hindi na kumalat pa ang apoy lalo na’t dikit-dikit ang mga bahay.


Sa paunang imbestigasyon, nagmula ang sunog sa ika-apat na palapag ng bahay ni Melencia Gioa at nadamay na ang tatlong katabing bahay nito.

Umaabot sa 15 pamilya ang naapektuhan ng nasabing sunog habang nasa tinatayang P60,000 na halaga ng mga ari-arian ang natupok.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Bureau of Fire upang malaman ang dahilan ng insidente.

Facebook Comments