Isang fire incident ang naitala sa bayan ng , Datu Odin Sinsuat, lalawigan ng Maguindanao sa ika-apat pa lamang na araw ng Fire Prevention Month.
Ayon kay Fire Officer 2 Mohalidin Kasan, chief for operation ng Bureau of Fire Protection-DOS, isang tahanan ang nasunog kagabi sa Barangay Pinguiaman, pag-aari ito ng isang Tapay Pagabangan, 50 anyos.
Base sa salaysay ni Pagabangan, matapos nilang maghapunan ay naisipan nilang mag-anak na magtungo sa sentro ng Barangay Taviran na hindi naman kalayuan sa kanilang bahay, habang nandoon sila sa lugar ay nabalitaan nilang may sunog na nagaganap sa kanilang barangay, dali-dali naman silang umuwi at sa kanilang pagdating ay doon na nila napag-alaman na ang kanilang bahay pala ang nasunog.
Dahil yari lamang sa light material ang bahay mabilis itong nilamon ng apoy, maswerte na lamang at walang ibang tahanan na nadamay sa sunog at wala ring nasugatan.
Tinatayang abot sa P10K ang halaga ng tinupok ng apoy dagdag pa ni Kasan.
Dalawang dahilan ang posibleng pinagmulan ng sunog, ayon kay Kasan, una ay electrical connection at pangalawa ay apoy sa kalan, hindi kasi umano napatay ng maayos ni Pagabangan ang apoy matapos na magluto ito para sa kanilang hapunan.
Kasabay nito, pinaalalahanan ni Kasan ang mamamayan ng DOS na mag-ingat laban sa sunog.
Noong nakaraang araw isa ring grassfire ang naitala sa Poblacion ng bayan ng DOS.
Sunog naitala sa Datu Odin Sinsuat
Facebook Comments