Sunog naitala sa Taviran, 1 patay 3 sugatan

Patay ang isang senior citizen habang tatlo ang sugatan matapos masunog ang isang pamamahay sa Brgy. Taviran Datu Odin Sinsuat Maguindanao alas sais ng umaga noong June 30.

Kinilala ang nasawi na si Hadji Datu Mosiba Pinguiaman habang sugatan ang anak nitong si Bai Marina Pinguiaman, Principal ng Broce Elemnetary School at dalawang iba pa.

Sinasabing alas sais ng umaga noong sabado ng mangyari ang sunog, malaki rin aniya ang posibilidad na maaring faulty electrical wiring ang naging dahilan ng insidente , namamalansta aniya ang isa sa mga nasa loob ng bahay ng sumiklab ang sunog ayon pa kay Kagui Ali Untong, isa sa mga nagresponde sa pangyayari at Brgy Chairman ng Taviran sa panayam ng DXMY.


Patuloy naman ang imbestigasyon ng BFP habang inaalam din ang halaga ng naabong ari arian. Bukod sa bahay, tupok rin ang tatlong motorsiklo habang maswerteng naisalba ang SUV ng mga biktima.

PIC: FB Wall of Kash Galok



Facebook Comments