Manila, Philippines – Aabot sa 10 bahay ang natupok ng apoy sa Barangay 765, San Andres Bukid, Maynila.
Dakong alas-7:30 ng gabi ng Sabado nang magsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay na pagmamay-ari isang Rolando Satok.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog.
Agad namang naapula ang sunog matapos ang isang oras.
Tinatayang nasa ₱150,000 ang naitalang pinsala dahil sa sunog.
Inaalam pa ang pinagmulan ng sunog.
Facebook Comments