Manila, Philippines – Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasunog na New City Commercial Complex (NCCC) mall sa Davao City.
Bukod sa pangulo, sina Davao Archbishop at Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) President Archbishop Romulo Valles at Davao City Mayor Sara Duterte ay tinungo ang lugar at kinausap ang mga kaanak ng mga pinaghahanap na biktima.
Sa ngayon, pinaghahanap pa rin ang 28 taong nawawala matapos sumikab ang sunog sa ikatlong palapag ng mall.
Karamihan sa mga nawawala ay pawang mga call center agents na nagtatrabaho sa loob ng mall.
Facebook Comments